Panalangin ng Pagpapala sa Gitna ng Pagbabago • Tagalog Prayer

Просмотров: 7, 326   |   Загружено: 2 год.
icon
Awit at Papuri Communications
icon
152
icon
Скачать
iconПодробнее о видео
Panalangin ng Pagpapala sa Gitna ng Pagbabago (Tagalog Prayer for Grace Amid Transition)
📝 Mula sa Diocesan Ministry for Liturgical Affairs ng Diocese of Cubao

Makapangyarihan at walang hanggang Diyos, dumudulog kami sa iyo, upang humingi ng lakas ng loob at habag upang yakapin ang bagong simula at makabangon mula sa anumang pagsubok.

Patuloy kaming dumudulog sa iyo ng pagkalinga at gabay upang sa pamamagitan ng iyong mapagpagaling na kamay ay malagpasan namin ang bawat epekto ng sakunang ito at ng kahit na anong pagsubok na aming kinaharap.

Gabayan mo ang mga manggagawang pangkalusugan upang ang iyong mapagpagaling na pag-ibig at lakas ay dumaloy sa pamamagitan ng kanilang mga kamay.

Gabayan mo ang mga namumuno sa amin upang ang katotohanan at tunay na pagdadamayan ang maging sukatan ng kanilang paglilingkod.

Gabayan mo rin ang aming mga "Spiritual front-liners" upang matulungan nila kaming matagpuan ang sigla at lakas ng loob upang ipalaganap ang pag-ibig at kapayapaan sa gitna ng panganib at pagdurusa.

Ang iyong Simbahan nawa ay maging tanda ng pag-asa, kaaliwan at pag-ibig sa lahat lalung-lalo na sa madilim na bahaging ito ng aming kasaysayan.

Nawa sa pagyakap naming ito sa bagong mundo tungo sa kinabukasan, hinihiling naming puspusin mo ang aming mga kalooban, at lalong maging kaisa mo. Napanibago at puspos ang iyong lakas, kami’y nanabik na magdiwang sa kinabukasang nasa Iyong kamay.

Sapagkat sa iyong biyaya lamang, O Panginoon, at sa pananalangin ng mahal na Birheng Maria namin masusundan ang lahat ng pagtatapos at bagong simulaing ito. (Banggitin ang mga personal na intensyon.) Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Dumudulog kami sa iyong patnubay, Mahal na Ina ng Diyos. Pakinggan mo ang aming mga kahilingan sa aming pangangailangan at ipag-adya mo kami sa lahat ng kasamaan, maluwalhati at pinagpalang Birhen. Amen.

Mahal na Birhen, mapagpagaling sa maysakit, ipanalangin mo kami.
San Jose, ipanalangin mo kami.
San Rafael Arkanghel, ipanalangin mo kami.
San Roque, ipanalangin mo kami.
San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami.
San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami.

❤️ Support our ministry
📖 Tagalog Mass Readings
🙏🏼 Prayer Requests
🖥 Facebook

Awit at Papuri Communications is a Catholic social communications apostolate based in Manila, Philippines. Subscribe to our channel for Tagalog Catholic Prayers, Novena, Mass Readings, Catechism and many more Catholic content!

🚨 DO NOT REUPLOAD OUR VIDEOS. © Unauthorized re-uploads and reuse may result to copyright strikes and takedown notices. Due to copyright limitations and our exisiting licensing agreements with third parties, we cannot allow the reuploading of our content on YouTube and other platforms. All our videos are rights-managed.

Похожие видео

Добавлено: 55 год.
Добавил:
  © 2019-2021
  Panalangin ng Pagpapala sa Gitna ng Pagbabago • Tagalog Prayer - RusLar.Me