ORATIO IMPERATA: Panalangin para sa Ulan (Ad Petendam Pluviam)

Просмотров: 8, 967   |   Загружено: 9 мес.
icon
Awit at Papuri Communications
icon
158
icon
Скачать
iconПодробнее о видео
Oratio Imperata Ad Petendam Pluviam | Panalangin para sa Ulan sa Gitna ng Matinding Init

🔴 English Version 👉

Ama naming mapagmahal
na lumikha ng sangkalupaan at sanlibutan
at ng mga kahanga-hangang kalikasan
na dinadaluyan ng buhay ng Iyong mga nilikha.
Mapagkumbaba kaming sumasamong ipagkaloob Mo
na ipag-adya kami sa matinding init na bumabagabag sa mga tao ngayon,
humahadlang sa mga gawain
at nagdudulot ng panganib sa buhay at hanapbuhay.
Bumuhos nawa ang biyaya ng ulan upang
upang tubigan ang aming mga bukid at mga nanunuyong lupa,
mapigil ang napipintong krisis sa tubig at kuryente
at patirin ang aming mga uhaw sa tubig araw-araw.
Sa hudyat ng Iyong salita, sumusunod ang hangin at dagat,
iunat Mo ang Iyong mapagpalang kamay
upang huminto na ang patuloy na pag-init ng panahon
nang ang Iyong bayan ay maging abala sa mabubungang gawain
at ang mga kabataan ay magpatuloy sa kanilang pag-aaral
nang may kapanatagan at kaginhawahan.

Diyos naming maawaain at mapagbigay,
imulat Mo ang aming mga mata
sa kayamanan at kagandahan ng Iyong mga nilikha
at hubugin Mo kaming maging mapagmalasakit para sa kalikasan.
Turuan Mo kaming maging magpagkakatiwalaang tagapangalaga ng Iyong nilikha
upang mapakinabangan namin ito nang may pananagutan
at mapangalagaan ito laban sa pang-aabuso at paglulustay.

Ngayong panahon ng krisis, mahal naming Panginoon,
himukin Mo kaming lalo pang magbahagi, maglingkod at magmahal.
Mapagmahal na Diyos, Ama ng aming Panginoong Hesukristo,
ipinagkatiwala Mo ang Bayang Pilipino
sa maka-inang pagkalinga ng Mahal na Birheng Maria,
dinggin Mo ang mga panalanging ipinamimintuho namin sa kanya
para sa pagtataguyod niya sa amin, ang bayang labis niyang minamahal.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo
na nabubuhay at naghahari kasama Mo at ng Espiritu Santo,
magpasawalang hanggan. Amen.

Mahal na Birhen ng Guadalupe, ipanalangin mo kami.
Santa Rosa ng Lima, ipanalangin mo kami.
San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami.
San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami.

❤️ Support our apostolate
📖 Tagalog Mass Readings
🎶 TikTok
🖥 Facebook

🙏🏼 For private and personal devotions only. Ad usum privatum.

Awit at Papuri Communications is a Catholic social communications apostolate based in Manila, Philippines. Subscribe to our channel for Tagalog Catholic Prayers, Novena, Mass Readings, Catechism and many more Catholic content!

🚨 DO NOT REUPLOAD OUR VIDEOS. © Unauthorized re-uploads and reuse may result to copyright strikes and takedown notices. Due to copyright limitations and our existing licensing agreements with third parties, we cannot allow the reuploading of our content on YouTube and other platforms. All our videos are rights-managed.

Похожие видео

Добавлено: 55 год.
Добавил:
  © 2019-2021
  ORATIO IMPERATA: Panalangin para sa Ulan (Ad Petendam Pluviam) - RusLar.Me